Pangakong TAPAT

Pangakong TAPAT

Isang araw may Panauhin akong nilapitan para i-assist. Hindi ko sadyang marinig sa kanyang kausap sa cellphone na kailangan nila ng binder clip o bulldog clip na 48 pieces. Nakita ko na lumapit siya sa mga de sabit at kumuha ng 12 packs na binder clip yung 1" 1/4 by 4s. Nilapitan ko ang Panauhin at inalok ko na baka gusto niya yung naka box. 12 piece na ang laman at kung 48 pieces ang kailangan niya ay 4 boxes lang ang kukunin at mas makakamura pa sa presyo kumpara sa 12 packs na balak niyang bilhin. Laking pasasalamat at tuwa ng Panauhin dahil mas nakamura siya sa kanyang pinamili at parehas lang naman ang item na bibilhin niya .
Bahagi ng ating kultura na makapagbigay ng magandang serbisyo sa ating mga Panauhin sa pagbigay ng dekalidad na paninda sa mababang presyo. Ika nga ay "Pangakong TAPAT". Kung iisipin ay malaking benta o pandagdag na benta na sana kung hahayaan lamang natin ang mga Panauhin na bilhin kung ano lamang ang nakikita ng kanilang mga mata. Pero bilang isang Kapwa na may malasakit sa ating Panauhin tutulungan ko ang Panauhin na mas makamura pero kalidad naman ang mga paninda at tumpak sa kanilang pangangailangan. Dahil mas importante ang customer satisfaction dahil posibleng maging regular na Panauhin ito.